Malapit ng matapos..

May 23, 2009

Malapit ng matapos ang OJT ko sa Azeus. Whew. Tapos na rin ang mga gustong features ni Sir Zhen at ng product manager ng Engine. Yey! Kaso, syempre, kelangan ng ayusin ang code dahil may code review pa. Errr. Yun ang ginagawa ko. Pinapabilis ang program at pinapaganda ang code para madaling basahin at madaling iextend. Natutuwa ako dahil andami kong natutunang teknik kay Ma’am Niaw. Ito ang ilan: Read the rest of this entry »

TableSorter Shiz

May 21, 2009

Nitong mga nakaraang araw halos tapos na ang bahagi namin sa proyekto. Kaunting dagdag na mga features na lang. Isa sa mga feature na naisip namin sa aming bahagi ay ang pag-sort ng table. Sa tulong ng tablesorter ng jquery, napadali ng sobra ang aming gawain. Puntahan nyo na lang ito para sa karagdagang impormasyon.

-apple

Dahil sa halos tapos na ang backend ng proyekto namin(pero may bahaging uulitin ko dahil nakahanap ako ng mas maganda at mas eleganteng solusyon), tumutulong naman ako ngayon sa user interface. Dahil na rin sa Product Manager ako, hindi lang dapat ako dagdag ng dagdag ng gawain kay Leslie, dapat rin akong tumulong. Kaya naman kanina naghanap kami ng ilang library na pwedeng gamitin para maging mas user-friendly ang aming proyekto. Read the rest of this entry »

Noong nakaraang Byernes, naganap ang unang demo namin. Grabe, nakakakaba. Ang tinaguriang “Master” ng Azeus ang syang kumilatis ng aming proyekto. Matapos ang samo’t saring emosyon, ayos naman ang kinalabasan! Yey! Pero, hindi dun nagtatapos ang lahat. Sa Byernes, magdedemo ulit kami. Dapat maayos na talaga ang pronoun replacement at ang iba pang features ng Adviser. Read the rest of this entry »

Panic Attack!

May 7, 2009

Naku, bukas na ang unang demo namin. Grabe. Ang demong ito ay iba sa demo nung isang araw. Bale, bukas yung buong project na yung idedemo. Sobrang kinakabahan talaga ako. Kasi andaming mga pagbabagong naganap sa bahagi namin. Mula sa tinatanggap naming input, hanggang sa nilalabas naming output, nabago lahat. Ngayon hindi na html file ang ilalabas namin. StringWriter na. Madali lang naman yun eh kaso kasi, yung ideya na sobrang daming nabago sa bahagi namin ay nakakawindang. Parang Pareto Principle lang. 80% ng ginawa namin mula ng nagsimula ang ojt ay na-scrap at 20% ang talagang kelangan. Hay. Akala ko paalam Digester na talaga, pero kanina nag-Digester na naman ako. Tapos biglang gagamit din pala kami ng database. Tapos may pronoun replacement pa. At lahat ng yan ay kelangan na bukas.  Grrr.. Parang sobrang layo na talaga ng ginagawa naming Adviser sa unang napag-usapan. Hay. Sana umayos ang lahat bukas. Hindi sana. Dapat.

-apple

Kaninang tanghali ko lang nalaman na ngayon na pala ang demo namin. Ang buong akala ko ay sa Byernes pa. Bale, ayos lang naman kasi gumagana na yung bahagi namin. Pero kahit na, ang demo ay demo pa rin. Nakakakaba. As in talagang nag-panic ako. Lalo na kanina lang sa amin nabigay ang dictionary engine. Nahihirapan akong huminga at hindi ko maintindihan ang paligid ko habang tini-test ko yung ibang bahagi ng aming program. Ayos naman ang lahat. Phew. Pero hindi kami ngayon nakapagdemo kasi yung grupo bago sa amin ay hindi natapos kanina. Akala ko yung bahagi namin ang may problema (iniintegrate na kasi kaya may bahagi sila na ginagamit ang isang class namin) yun pala hindi. Pero kahit na, nanatili pa rin kami ng medyo matagal kasi baka may makita silang bug. Pero wala naman. Nga pala, may shortcut pala ang pag-type ng:

public static void main(String[] args)

sa eclipse. I-type lang ang main at lalabas na yan. Cool! haha. Ang saya talagang panoorin ang mga magagaling magcode. Nakakaaliw. Ayun, bale bukas ng umaga kami magdedemo. Hay. Sana magawan ng paraan ang problemang nakita ko..

-apple

Adviser pa rin

April 30, 2009

Bagamat nadagdagan kami ng isa pang gawain (Rule Generator), Rule Adviser pa rin ang inaatupag ko. Yun kasi ang naunang ibinigay sa amin. Mas magandang maayos muna yun bago tumalon sa isa pa. At meron na namang ibang taong nagbabasa para sa Generator. Sa katotohanan, tinatamad akong basahin ang mga thesis paper na may kinalaman dun kaya Adviser na lang muna ang ginagawa ko. At malapit na rin ang unang presentasyon. XD Read the rest of this entry »

Paalam Digester

April 28, 2009

Noong nakaraang Sabado, pormal na nga kaming nagpaalam sa Digester. Dahil sa problemang aming kinaharap (nested tags) sa Digester kapag nagpaparse ng HTML, napilitan kaming maghanap at mag-aral ng ibang technology. Read the rest of this entry »

Lahat ng ginawa ng grupo namin mula ng simula ng OJT ay mukhang mababalewala. Bale, hindi talaga mababalewala kasi magagamit naman siguro namin ang aming mga natutunan (gaya ng Velocity, Digester, Batik, at ResourceBundle) sa hinaharap. Pero sa aming proyekto, mukhang magsisimula ulit kami mula sa umpisa. 😦 Read the rest of this entry »

Nasasanay na..

April 22, 2009

Ikalawang linggo na namin sa Azeus, at masasabi kong nasasanay na ko. Natutuwa ako kasi hindi na ako nahihirapan sa pagbyahe. Hindi na ako naiirita sa siksikang mrt at sa masakit na sapatos. Lagi na kasi akong nag-ffx papunta ng Ortigas at nagbabaon ako ng tsinelas para ayos lang maglakad. Nakakatuwa talaga. At mukhang nananaba pa yata ako sa opisina. Libre kasi ang mga biskwit kaya naman kuha kami ng kuha. XD. Bagamat nagiging palagay na ako sa ojt, nalalapit naman ang aming unang presentasyon. Sa May 8 na. Naku, kelangan ng ayusin ang lahat ng dapat ayusin gaya ng pag-output ng HTML report at lahat ng pwedeng cases .. @_@

-apple