sa wakas..

May 29, 2009

Sa wakas ay tapos na rin ang aming ojt.. at simula na ng one-week kong bakasyon hahaha… Kanina ay naipasa na namin ang website at ang system na ginawa namin sa aming supervisor. Nakaburn sa cd ang mga ito sa isang cd, ayaw kasi muna nilang iup ang site habang wala pa ito masyadong laman. Inilipat na rin namin sa isang computer nila ang mga sistema para kung gusto nilang ibrowse ito ay makikita nila ito agad.

Read the rest of this entry »

11 oras na pagcocode

May 27, 2009

Kahapon, hinihintay ko ang supervisor ko. Hindi pa kasi niya napapasa ang aking assessment. Ang pasok kasi namin ay 9 am, pero inabot ako ng mga 8 pm sa office. Medyo madami kasing ginagawa ang supervisor namin. Kaya sa aking paghihintay, itinuloy ko na lang ang pagcocode ko gamit ang ajax.

Read the rest of this entry »

Huling linggo na..

May 25, 2009

Huling linggo ko na sa ojt at tila medyo gusto na nila yung disenyo ng site na ginagawa namin. Dapat ngayon nga darating ang mageevaluate nito ngunit sa kasamaang palad aya hindi siya dumating. Bukas na daw siya darating. At ayun, nasimulan ko na ring gawin yung ikalawang sistema. At napag-isipan ko na kailangan talagang gamitan ng ajax sa pagaccess ng sql kasi gusto kong maging user-friendly ang interface namin. Buti naman ay napagana ko na ang simpleng script ko. Ang gagawin ko na lang ay iincorporate ito sa code na ginawa ko.. – jethro

Ngayong linggo, binigyan kami ng oras hanggang kahapon(biyernes) upang ifinalize na ang disenyo ng site na ipinapagawa samin. At bukod pa dun, pinasimulan na samin ang ikalawang sistema na gagawin namin – yung database system na kailangan nila. Nung ipinakita namin sa supervisor namin ang disenyo nung biyernes, medyo wala na siyang negatibong komento. Pero, dadaan daw sa lunes yung design analyst na kaibigan niya na tumingin sa disenyo namin noong unang demo namin.

Read the rest of this entry »

Nung nakaraang biyernes, nadagdagan ko na ng function na pagcategorize ng mga entries kaya pag nagdidisplay ng articles o pictures, pwede na siyang isort by category. Medyo nagkakaproblema nga lang ako sa database kasi hindi siya nagcacascade. Kunwari kapag nagdelete ako ng category, hindi nawawala yung mga articles under ng category na yun. So ang ginagawa ko ay ang mano-manong paraan. Pero imbis na burahin, inililipat ko sila sa uncategorized na section.  Ngayong monday naman, pinagsama ko na ang front-end (gawa ng kasama ko) at back-end (gawa ko) ng sistema namin. At ayun, ang resulta naman ay kapareho din sa nakaraan naming disenyo, siguro mas gumanda lang hehe.

Read the rest of this entry »

biyernes na naman

May 15, 2009

Biyernes na naman.. Ito na ang ikaapat na linggo ko dito sa aking ojt.. Weew malapit nang matapos, pero ang project namin, di parin matapos-tapos.. Two days namin ginawang mas interactive at mas kaaya-aya ang site na gusto ng supervisor namin.. Yung kasama ko naman talaga ang gumagawa ng front-end, pero dahil sa nga sa napaka sensitibo sa design ng aming mga evaluators – ayun medyo nakikialam na rin ako sa disenyo ng layout..

Read the rest of this entry »

ang demo namin…

May 11, 2009

Noong nakaraang linggo pa dapat ang demo namin – thursday. Pero dahil sa mga karagdagang functions na inilagay namin sa sistema, ito ay naging ngayong araw. Ang demo na ito ay tinawag nilang “evaluation” o “testing.” Kaya talagang inayos ko ang mga functions ng sistema namin. At hindi ko talaga inexpect ang nangyari sa demo namin.

Read the rest of this entry »

Kasama ko ang gumawa ng captcha – spam control namin. Ako naman ang nagincorporate sa system namin nito. Medyo nag-aral pa ko ng konti kasi nga javascript ang ginamit nya. Tapos medyo inedit ko para umakma sa ibang pages namin kasi nga yun din yung gagamitin namin sa pagdagdag ng comments, sa pagregister, at sa iba pang mga sinusubmit para maiwasan ang spam.

Read the rest of this entry »

Nung lunes, kami ay humarap na naman sa aming supervisor at nagbigay kami ng updates. Nadagdagan ang sistema namin ng file manipulation para sa mga articles, pictures, videos, polls, at special reports. Medyo inayos na rin namin ang spam-control na gagamitin namin sa sistema. Balak naming lagyan ito ng karagdagang disenyo at kakayahan gamit ang javascript.

Read the rest of this entry »

Last Wednesday, we’ve successfully integrated our system with a comment moderation mechanism where the administrator could filter which comments are be to posted and which are to be disapproved. So far, we could see that our system is having a progress.

Read the rest of this entry »