Ang Pagbabalik!

May 26, 2009

Medyo matagal-tagal na din akong hindi nakapagblog. Marahil ay talagang wala lang ako ganang magblog nung mga nakaraang araw. Maaaring nadala ako sa aming proyekto at nakalimutan ko nang magblog o kaya nama’y maraming pinoproblema. Anu pa man ang dahilan, heto muli ako’t itutuloy na ang aking naudlot na pagkwento sa aming proyekto. Read the rest of this entry »

Prototype, DONE!

May 9, 2009

*Itong blog na ito ay tungkol sa mga nangyari noong nakaraang linggo.*

Noong nakaraang linnggo, tinapos na namin ang aming proyekto. Kaso, napagtanto namin na, hindi karapat-dapat na iyon ang maging final product; magulo ang code, hindi maintindihan, panget pa ang pagkaka-layout. Sa ibang salita, hindi pa perpekto. Kaya tinuring naming prototype ang natapos namin. Sino naman nga kasing tatangkilik noon kung saka-sakali mang i-deploy na iyon? Minadali at parang hindi gaanong pinagplanuhan.

Read the rest of this entry »

** Ang blog entry na ito ay tungkol sa mga nangyari kahapon, Abril 28, 2009. **

Kahapon, hindi kami masiyado nakausad sa mga dapat naming gawin. Ito ay sa kadahilanang inaantok kaming dalawa ni Olive. *Hay* Ano bang meron kahapon at bakit parehas pa kami tinatamad? Pero, kahit tinatamad kami, meron pa rin naman kaming natapos o nagawa.

  1. Add friend
  2. Update friends list
  3. at mga kung anu-ano pang maliliit na karagdagan sa friends list

Read the rest of this entry »

Magtanim ay ‘di biro!

April 28, 2009

*** Dapat para kahapon ito. Hinintay ko pa yung kumpirmasyon galing kay Sir Sherwin kung ayos lang i-post ang blog entry na to. ***

Kanina, umalis ako nang maaga dahil hindi na ako makapaghintay na gawin yung tree na katumbas nung contact list / address book ng proyekto namin. Isa kasi yun sa mga kailangang ma-isagawa namin.

Read the rest of this entry »

Simula nanaman ng panibagong linggo bilang isang intern sa Globelabs. Bago ang lahat, magbibigay lang ako ng final updates sa kung anu-ano na ang natapos namin ni Olive. Read the rest of this entry »

May himala nga! Wee!

April 22, 2009

Kanina, tinuloy na namin ulit yung ginagawa namin. Tuloy ang paghahanap ng paraan para makapagpadala ng SMS gamit ang Javascript.

Bago dumating si Sir nagsaliksik muna kami sa internet. Meron kaming mga nakitang sites at forums na pinag-uusapan yung problema namin. Sabi, konektado daw sa seguridad nung environment na ginagamit namin. Mejo hindi ko naintindihan kaya hinintay ko nalang si Sir Greg. Nung dumating na si Sir, kaagad namin tinanong yung problema namin. Sinabi din niya yung nabasa namin. Ayun. Gawin lang daw namin yung sinasabi doon sa isang article na nakita niya. Nagbasa muna kami ulit. Sabi , kailangan lang daw humingi ng permiso galing sa end-user para gumana yung Javascript o kaya naman, gawing signed o lagyan ng signature yung script o yung mismong files. Read the rest of this entry »

Himala! Pakiusap, himala!

April 21, 2009

Kailangan na talaga namin ni Olive ng himala. Buong araw, sinubukan naming magpadala ng SMS gamit ang XUL. Hay. Halos lahat na ng paraan ginawa na namin. Anjan na ang REST – HTTP Request pati na rin ang SOAP. Hindi yata magkaintindihan ang Javascript at XUL. Ahaha. Gumagana naman sa HTML pero, kapag sa XUL na, ayaw talaga. Bakit nga ba?! Read the rest of this entry »

Javascript, o bakit?

April 20, 2009

Sobrang hindi na ako makapag-hintay makapunta sa Globe kanina. Gustong-gusto ko nang gawin iyong aming proyekto. Pagdating doon, hindi na ako nag-alangang simulan ang pagsasaliksik patungkol sa gagawin namin. Ito ang aming mga gagamitin:

  • Javascript
  • XML
  • HTML
  • CSS

Read the rest of this entry »

Globe Labs – Salubong

April 18, 2009

Matapos ang tatlong araw na halos puro diskusyon patungkol sa mga paghahanda sa paggawa ng proyekto, sa ikaapat na araw – Abril 16 – lumipat na kami sa Globe Data Center para pag-aralan ang Globe Labs API. Hindi na talaga ako makapaghintay noon para sa mismong araw na iyon. At sa wakas, hindi na ako paghihintayin pa nang matagal.

Read the rest of this entry »